Huwebes, Disyembre 11, 2008

Patama kay Sir

Ika'y isang estranghero
na pumasok sa'ming kwarto.
Batid mong ika'y bagong guro
na sa amin ay magtuturo.

Kapansin-pansin na ika'y baguhan
sa prop;esyong iyong napasukan,
pagkat nilalalmon ka ng kaba
at sobrang hina ng mong magsalita.

Kami ay sadyang namangha sa
M.A.-Fil. at A.B.- Lit na
nakakabit sa'yong pangalan
na bibihira sa edad mong yan.
Kaya naman ika'y aming nirespeto,
tenga namin ay ipinokus sa iyo
nang di masayang ang iyong laway
sa pagsasasbay mo sa'ming ongay.

Sadya na po kaming ganito:
maingay, pasaway, at magulo,
pero sa study kami'y seryoso
at yan ay patutunayan namin sa'yo.

Kahit papaano
sana'y mapansin mo
na kami rin ay matitino
at marunong ding rumespeto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento