Sabado, Disyembre 13, 2008

Tagalog, Pilipino, At Filipino

Maraming tao ang patuloy na nalilito sa pagkakaiba-iba ng Tagalog, Pilipino, at Filipino sa isa't isa.Sa mga impormasyong aking nakalap at natutuhan ang tatlo ay nagkakaiba-iba sa konsepto, gamit, at gayundin sa mga pinagbatayan. Tulad halimbawa sa agalog na pinagbatayan ng wikang pambansa na napagkasunduan ng SWP.Bagamat Tgalog ang itionawag sa wikang pambansa, hindi naman nangangahulugan na ang katutubong wikang tagalog na ang ating wikang pambansa.Ang Pilipino ay tagalog din ayon sa nilalaman at istruktura; walang wikang Pilipino bago ang taong 1959.Gayundin,walang wikang Filipino bago ang taong 1973. MAgkaiba ang Pilipino sa Filipino kahit na nga naging parehong wikang pambansa ang dalawa. Ang mga ito'y magkaiba sa konsepto: pagkat ang isa'y batay sa iisang wika at ang iasa nama'y s amaraming wika sa Pilipinas kasama ang ilang banyagang wika. Kung gayon ang Filipino ay ang mas maunlad na wika at ang pangunahing lingua franca ng ating bansa. Ang "F" sa salitang Filipino ay ay sumsimbolo ng pagiging hindi tagalog lang na batayan ng wikang pambansa, dahil wala namang gamit ang tunog "F" sa katutubong wikang tagalog.

Wika at diyalekto

Ang wika ay mas higit ang saklaw kaysa sasa diyalekto. Mas marami rin ang gumagamit ng wika kaysa sa diyleto. Binigyang kahulugan ni h.gleason ang wika bilang- isang sistematekong balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong naibilang sa isang kultura. Ang diyalekto naman ay ang baryasyon ng isang wika, tam as kaunti lamang ang gumagamit nito kung ihahambing sa wika.Ang Ilaang varayti ng wika ay ang sumusunod:
IDYOLEK- ito’y kumakatawan sa pekyulyaridad sa pananlita ng mga tao.Ang paggamit ng wikang itoy mabibilang sa ekspresyon at isa ring pagkakakilanlan.
SOSYOLEK-ito’y kumakatawan sa mga salitang sadyang gamit ng isang tao kugnay sa kanyang trabaho o propesyon.