Martes, Disyembre 16, 2008

Kakayahang Linggwistik at Komunikativo

Sa pag-aaral ng anomang disiplina masasabi kong mahalagang
magkaroon ng ng sapat at kinakailangang kakayahan sa linggwis-
tik at komunikativo ang isang tao. Ang kakayahang linggwistik
ay naayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam
ng taong nagsasalita ng wikang ito. Nagtataglay ang isang tao ng
kaalamang ito kung nauunawaan at nasasabi niya ang ibat- ibang
mga pahayag o at pangungusap.Ang kakayahang komunikativo
naman ay hindi lamang naaayon sa kaalamang makagamit ng mga
pangungusap na may wastong balarila kundi may kakayahan ding
ipakita at gamitin ang alin mang gawi ng pakikipag-usap na angkop
at naaayon sa hinihinging sitwasyon.
Note:
ang mag nakasaad dito ay ayon sa naiulat ng aking kamag-aral na si R.Maarticio (BSEd 1 English)

Wala Bang Bago?

Paulit-ulit na lang bang ganto?
Ika'y sa amin magtuturo
gamit ang iyong istratehiya
na hindi namin makuhakuha.

Kahit kami'y batong bato na
ay wala kaming magagawa
kundi ang makinig sa iyo,
dahil ikaw ay aming guro.

Marahil ikaw lang ay bumubwelo
at kami ay pinaglalruan mo,
dahil sa tono ng pananalita mo
nababakas ko ang angking talino mo.

Kaya sige, ika'y pagbibigyan namin
at muli ay pabwebweluhin!
Pipilitin naming ikaw ay unawain
kahit na nga kay hirap mong intindihin.