Sabado, Disyembre 13, 2008

Tagalog, Pilipino, At Filipino

Maraming tao ang patuloy na nalilito sa pagkakaiba-iba ng Tagalog, Pilipino, at Filipino sa isa't isa.Sa mga impormasyong aking nakalap at natutuhan ang tatlo ay nagkakaiba-iba sa konsepto, gamit, at gayundin sa mga pinagbatayan. Tulad halimbawa sa agalog na pinagbatayan ng wikang pambansa na napagkasunduan ng SWP.Bagamat Tgalog ang itionawag sa wikang pambansa, hindi naman nangangahulugan na ang katutubong wikang tagalog na ang ating wikang pambansa.Ang Pilipino ay tagalog din ayon sa nilalaman at istruktura; walang wikang Pilipino bago ang taong 1959.Gayundin,walang wikang Filipino bago ang taong 1973. MAgkaiba ang Pilipino sa Filipino kahit na nga naging parehong wikang pambansa ang dalawa. Ang mga ito'y magkaiba sa konsepto: pagkat ang isa'y batay sa iisang wika at ang iasa nama'y s amaraming wika sa Pilipinas kasama ang ilang banyagang wika. Kung gayon ang Filipino ay ang mas maunlad na wika at ang pangunahing lingua franca ng ating bansa. Ang "F" sa salitang Filipino ay ay sumsimbolo ng pagiging hindi tagalog lang na batayan ng wikang pambansa, dahil wala namang gamit ang tunog "F" sa katutubong wikang tagalog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento