Martes, Disyembre 16, 2008

Wala Bang Bago?

Paulit-ulit na lang bang ganto?
Ika'y sa amin magtuturo
gamit ang iyong istratehiya
na hindi namin makuhakuha.

Kahit kami'y batong bato na
ay wala kaming magagawa
kundi ang makinig sa iyo,
dahil ikaw ay aming guro.

Marahil ikaw lang ay bumubwelo
at kami ay pinaglalruan mo,
dahil sa tono ng pananalita mo
nababakas ko ang angking talino mo.

Kaya sige, ika'y pagbibigyan namin
at muli ay pabwebweluhin!
Pipilitin naming ikaw ay unawain
kahit na nga kay hirap mong intindihin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento